Asahan na ang mas matinding bigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila ngayong ber months.
Babala ito ng MMDA kaugnay ng kabi-kabilang construction works sa kalakhang Maynila at inaasahang pagdagsa ng mga mamimil sa mga mall.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, karaniwang 20 porsyento ang nadadagdag sa volume ng mga sasakyan tuwing holiday season.
Kaya payo ng MMDA, gamitin ang Christmas lanes at agahan na rin ang pamimili ng mga panregalo.
Maliban dito, tiniyak din ng ahensya ang mga hakbang upang kahit papaano ay maibsan matinding daloy ng trapiko gaya ng pagpapaigting sa paghatak ng mga sasakyang iligal na nakaparada, clearing operations, pagpapatupad ng extended no window hours, pagbabawal sa mga weekend mall sale at iba pa.
By: Ralph Obina
SMW: RPE