Pinaghahandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang matinding daloy ng trapiko sa Semana Santa.
Ayon sa MMDA, mahigit dalawang libong kawani nito ang ide-deploy sa iba’t ibang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Bukod sa pagtiyak ng maayos na daloy ng trapiko, tutulong din ang ahensya sa mga pasaherong buntis, nakatatanda at mga pasaherong may bitbitin upang maging mabilis ang kanilang pagsakay at pagbaba sa mga transport terminal.
Tiniyak naman ng mmda na maaayos ang kanilang mga kagamitan tulad ng mga ambulansya na ide-deploy din sa iba’t ibang bahagi ng Edsa.