Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag magpa-stress dahil sa nararanasang mabigat na daloy ng trapiko ngayong holiday season.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, batay sa kanilang pag-aaral ay tuwing holiday season karaniwang tumataas ang stress level ng mga tao.
Aniya, mas makabubuti kung makakahanap ng libangan ang mga tao habang nasa kalagitnaan ng matinding trapiko.
Magugunitang nagbabala ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa mas mabigat na daloy ng trapiko dahil sa Christmas rush.