Posibleng ibalik ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang matitirang Moderna COVID-19 vaccines ng lungsod.
Ito’y kasunod ng panawagan ni Mayor Toby Tiangco na magpabakuna na ang mga residente at nagtatrabaho sa Navotas na may edad 18 pataas .
Sinabi pa ni Tiangco na bukas para sa walk-in ng bakunang moderna ngunit kailangan lamang alamin ang vaccination sites kung saan mayroon nito.
Ipinabatid ni Tiangco, nuong isang araw ay halos 1,000 lamang ang nagpabakuna kung saan nasa tatlong libong vaccination slots ang mayroon.
Samantala, sinabi ng alkalde na kung hindi magagamit ang naturang bakuna hanggang sa katapusan ng Agosto ay isasauli na lamang ng lungsod sa pamahalaan ang matitirang bakuna.