Humarap sa headquarters ng Manila Police District si self-confessed hired killer ng davao death squad o DDS na si Edgar Matobato matapos siyang sumuko sa Manila City Hall Police detachment.
Layong makapagpiyansa ni Matobato para sa kinahaharap niyang kasong frustrated murder na inilabas ng RTC o Regional Trial Court Branch 19 ng Digos, Davao City.
Hiniling ni Matobato sa Manila Police District na dito siya ikulong sa manila at ilipat sa manila RTC ang mga kasong isinampa sa kanya sa Davao.
By Avee Devierte |With Report from Aya Yupangco