Nagpasaklolo na sa Supreme Court ang nagpakilalang dating miyembro umano ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato.
Ito’y upang hilingin sa high tribunal na ilipat ang pagdinig sa kaniyang kasong illegal possession of firearms sa Maynila mula sa Davao City.
Sa inihaing petisyon ni Matobato sa pamamagitan ng kaniyang abogadong si Atty. Jude Sabio, makabubuting mailipat sa Maynila ang pagdinig sa kaso ni Matobato upang maiwasan ang miscarriage of justice.
Iginiit pa ng kampo ni Matobato na tanging ang Korte Suprema na lamang ang kanilang matatakbuhan dahil sa tila peligrosong buhay ngayon ni Matobato matapos tanggihan ito sa Witness Protection Program gayundin sa protective custody ng Senado.
Si Matobato ang nagbunyag kay Pangulong Rodrigo Duterte na direktang may kaugnayan umano sa mga nangyayaring patayan sa ilalim ng Davao Death Squad.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo