Nanawagan ang Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) na itaas ang matrikula ng mga pribadong paaralan para sa darating na pasukan.
Ayon kay Atty. Joseph Noel Estrada, ilalaan ito sa pagpapasahod ng mga guro at school personnel at sa pag-aayos ng mga pasilidad ng paaralan bilang paghahanda sa limitadong pagbabalik ng face-to-face classes.
Habang tulong din ito sa pagsasaayos ng mga pasilidad at covid-19 testing ng mga empleyado ng paaralan.
Noong Oktubre, unang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nasa 865 pribadong eskwelahan ang nagsara sa gitna ng Covid-19 pandemic. —sa panulat ni Abby Malanday