Lalo umanong tumindi ang kalagayan ng paggawa sa ilalim ng administrasyong Duterte dahil sa kawalan ng aksyon nito sa usapin ng contractualization at mababang pasahod.
Iyan ang inihayag ng grupong KMU o Kilusang Mayo Uno sa isang pulong balitaan sa Quezon cCty kaninang umaga kung saan sinabayan din ito ng paglalabas ng sarili nilang bersyon ng matrix.
Ayon kay Lito Estarez, Vice Chairman ng KMU, walang pinagkaiba aniya ang inilabas na matrix ng gobyerno sa tinaguriang red october plot na unang pinalutang ng AFP o Armed Forces of the Philippines.
Magugunitang inilabas ng Malakaniyang ang isang matrix kung saan isinasangkot dito ang ilang mga kilalang personalidad tulad nila Pangulong Rodrigo Duterte, Chinese President Xi Jinping at U.S President Donald Trump.
Kasama rin sa ipinakitang matrix ang ECOP o Employers Confederation of the Philippines at ang DOLE o Department of Labor and Employment na sila umanong nagpapahirap sa mga manggagawa.