Malaki ang pasasalamat ng aktor na si Matteo Guidicelli sa mga taong nasa paligid niya na tumutulong upang mabalanse ang kanyang acting, sporting at singing career.
Gayunman, sa pagkakataong ito… sinabi ni Matteo na mas pagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang pagkanta lalo’t nallapit na ang kanyang third major solo concert.
Aminado si Matteo na may kaunti pa rin siyang kaba sa tuwing tumatapak sa entablado para kumanta ngunit nagpapalakas aniya ng kanyang loob ang kanyang kasamang banda.
Ang concert ni Matteo ay gaganapin sa KIA Theater sa November 30 kung saan guest niya ang mga mang-aawit na sina Morisette Amon, Kiana Valenciano at ang rapper na si Loonie.
Thank you for today’s press conference. #hey #heymatteo @luisruizzzz
A post shared by Matteo Guidicelli (@mateoguidicelli) on
—-