Itinanggi ni Matteo Guidicelli na nag-propose na siya kay Sarah Geronimo.
Umingay ang sinasabing proposal ni Matteo kay Sarah dahil sa sweet moments nila ng Pop Star Princess o halos hindi sila mapaghiwalay noong birthday celebration ni Judy Ann Santos.
Ayon kay Matteo, sobrang namiss niya lang ang kaniyang girlfriend kaya’t panay ang yakap at halik niya rito.
Ipinabatid ni Matteo na okay na okay na si Sarah na aniya’y nagshoo-shooting na ng kaniyang pelikula.
Gayunman, sinabi ni Matteo na may timeline naman siya kung kailan magpo-propose kay Sarah subalit ayaw niya munang ibunyag ito.