Nilinaw ng aktor na si Matteo Guidecelli ang usap-usapan sa umano’y “baby bump” ni popstar royalty Sarah Geronimo.
Sa naging panayam ng isang Tv network, sinabi ni Matt na hindi totoong buntis ang kaniyang asawa at sa katunayan nga ay naghahanda pa ito para sa isang concert.
Ayon kay Matteo, ang litratong nakita ng mga netizens sa social media ay nakuha noong December 31, 2021 na advance celebration ng kanilang pamilya noong bagong taon.
Dagdag pa ni Matteo na sexy ang kaniyang asawa at hindi bump ang nakita ng mga Marites kundi hangin mula sa bundok kung saan sila nagcelebrate. —sa panulat ni Angelica Doctolero