Proud na proud ang actor-host na si Matteo Guidicelli sa kanyang asawang si Sarah Geronimo dahil sa tapang nito na ipaglaban ang kanilang relasyon.
Sa isang noontime show kung saan, host si Matteo, kaniyang pinuri si Sarah dahil hinarap umano nito ang lahat ng balakid sa kaniyang buhay at karera para lang sa kaniya.
Pinuri din ni Matt ang kaniyang asawa dahil sa pagpapakita ng singer ng dedikasyon na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.
Sa ngayon, nananatiling matatag ang dalawa na ngayon ay dalawang taon nang kasal.