Problemado ang mga tindero’t tindera sa Baclaran matapos tumumal ang bentahan ng mga paninda ngayong kapaskuhan.
Ayon sa mga ito, kung dadagsain man ng mga tao ang Baclaran ay tuwing hapon at gabi lang.
Paliwanag pa ng mga tindero sa lugar, kumukulang ang mga benta nila sa pangtustos sa mga bayarin sa bahay, kuryente at pagkain.
Bukas bente kuwatro oras ang Baclaran market Lunes hanggang Biyernes. Alas siete naman ng umaga hanggang alas-nueve ng gabi tuwing Sabado. Habang magbubukas ito ng alas-otso ng umaga hanggang ala-sais ng gabi pagka-Linggo. —sa panulat ni Joana Luna