Posibleng makaranas ng maulan na kalangitan ang bahagi ng Bicol region dahil sa Low Pressure Area na kumikilos pahilagang Luzon.
Magiging mainit naman ang panahon sa iba pang bahagi ng Luzon maliban na lamang sa mga pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi dahil sa umiiral na southwest Monsoon o Hanging habagat.
Magiging maulap parin ang kalangitan na may kalat-kalat na pag ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Visayas kaya’t asahan na patuloy itong makakaapekto sa nasabing lugar.
Magiging maulan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang malaking bahagi ng Mindanao lalo na sa hapon hanggang gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26°C hanggang 34°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:26 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:21 ng hapon.