Asahan na ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Inter-Tropical Convergence Zone na pinaigting ng Low Pressure Area na namataan sa Eastern Visayas.
Namataan ng pagasa ang LPA sa layong 50 kilometero Hilagang-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar at nakaloob sa Intertropical Convergence Zone.
Kikilos ang nabanggit na sama ng panahon pa-kanluran hilagang-kanluran patungong Bicol region at Mimaropa pero maliit ang posibilidad na maging isa itong bagyo.
Kabilang naman sa mga inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Northern Samar, Quezon, Mimaropa at Bicol region.—sa panulat ni Drew Nacino