Ibinabala ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang pag-ulan ngayong araw na ito at higit pang malakas na pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.
Ito ayon sa PAGASA ay dahil sa Low Pressure Area o LPA na namataan sa layong 250 kilometro silangan hilagang silangan ng Guian, Eastern Samar na lalong magpapalakas sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Ang mga nasabing weather disturbances ay magdadala rin ng maulap na papawirin sa ibabaw ng Metro Manila, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, ARMM, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Aurora.
Dahil ditto, pinag-iingat ng PAGASA ang mga mangingisda dahil sa malalakas na pag-alon sa ilang coastal areas sa bansa.
—-