Asahan nang mararanasan ngayong araw ng linggo ang maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa buong kamaynilaan at iba pang lugar sa bansa na resulta ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Base sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, iiral ang kaparehong lagay ng panahon sa mga area ng Mimaropa, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Maulap na papawirin at may panaka-naka ring pag-ulan sa Cordillera, Cagayan at Central Luzon na dulot naman ng northeast monsoon o hanging amihan.
Partly cloudy to cloudy skies na may isolated rain showers naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa na dala ng localized thunderstorms.
Kaugnay nito, nalusaw na ang Low Pressure Area o LPA sa silangang bahagi ng Mindanao.
Samantala, lumabas narin sa Philippine Area of Responsibilty o PAR ang isa pang LPA na minomonitor sa bahagi ng Sulu Sea.