Asahan ang maulang lagay ng panahon ngayong weekend.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ito ay dahil sa binabantayan nilang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Partikular na uulanin ang malaking bahagi ng mindanao maging ang Samar, Leyte, Cebu, Bohol, Aurora, Quezon, Laguna, Rizal, Mindoro at Bicol Region.
Binalaan naman ng PAGASA ang mga mangingisda na mapanganib ang maglayag sa mga karagatang sakop ng Camarines provinces, Catanduanes, Northern at Eastern Samar, Dinagat islands, Sorsogon, Surigao provinces at Davao Oriental.