Asahan parin ang maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Luzon partikular na sa Cagayan area.
Makakaranas ng maaliwalas na panahon ang Metro Manila at nalalabing bahagi pa ng Luzon maliban na lamang sa mga isolated rain showers o thunderstorm.
Ayon kay Pagasa weather specialist Raymond Ordinario, malaki parin ang tiyansa na magkaroon ng afternoon thunderstorms sa National Capitral Region (NCR) partikular na sa western section ng Luzon.
Samantala, maaliwalas na panahon parin ang inaasahan sa Visayas at Mindanao na may kasamang pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil parin sa localized thunderstorm na posibleng tumagal hanggang 2 oras.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24 hanggang 32 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:28 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:28 ng hapon.