Makakaranas parin ng maulap na may mga pag-ulan ang silangang bahagi ng Luzon partikular na sa Palawan Area bunsod parin ng epekto ng hanging amihan at shearline.
Magiging maulap na may pulu-pulong pag-ulan ang natitirang bahagi ng Luzon partikular na sa Metro Manila.
Asahan din ang maulap na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pag-kidlat sa buong bahagi ng visayas at mindanao partikular na ang eastern Visayas at CARAGA Region kaya pinag-iingat ng pagasa ang mga residente sa lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay nasa 22 hanggang 30°C habang sumikat naman ang haring araw kaninang 6:21 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:39 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero