Asahan ang maulap na kalangitan sa bahagi ng Luzon maliban na lamang sa mga isolated thunder storms sa hapon o sa gabi.
Makakaranas ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan ang bahagi ng Laoag, Baguio City, tuguegarao, legazpi, Kalayaan Islands, Puerto Princesa, Tagaytay, maging ang Metro Manila.
Magiging mainit at maalinsangan naman ang panahon sa Visayas at Mindanao na may tiyansa ng mga localized thunder storm sa hapon o sa gabi.
Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Patrick Del Mundo, patuloy paring nakataas ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Ilocos Norte, Cagayan at Babuyan Islands.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:40 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:10 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero