Maaliwalas na panahon ang mararanasan sa malaking bahagi ng Luzon pero may posibilidad na ulanin sa hapon hanggang sa gabi bunsod ng localized thunderstorm.
Ayon sa PAGASA, mainam pa rin na magdala ng payong at iba pang panangga sa biglaang pagbuhos ng ulan.
Magiging maaliwalas din ang panahon sa bahagi ng Visayas dahil inaasahang malulusaw na ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng bansa.
Asahan din ang maaliwalas na panahon sa malaking bahagi ng Mindanao maliban na lang sa mga isolated rain showers at thunderstorms sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26°C hanggang 34°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:26 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:22 ng hapon.