Patuloy na nakakaapekto ang hanging habagat sa bahagi ng Luzon partikular na sa Palawan, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, asahan na magiging maulap ang kalangitan na may tiyansa ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat kaya’t panatilihin ang pagdala ng payong at iba pang panangga sa pag-ulan upang hindi magkasakit.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila, Bicol Region, Ilocos Norte, Cordillera Administrative Region (CAR), central Luzon, CALABARZON, sa natitirang bahagi ng MIMAROPA, at sa Cagayan Valley pero makakaranas ng isolated rain showers o mga pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi.
Makakaranas din ng maaliwalas na panahon ang Visayas pero may isolated rain showers sa hapon hanggang sa gabi partikular na sa Tacloban, Iloilo at Cebu.
Generally fair weather naman ang aasahan sa bahagi ng Mindanao pero may posibilidad parin ang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi kabilang na diyan ang Cagayan De Oro, Davao at Zamboanga.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 32°C namataan ang haring araw 5:26 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:19 ng hapon.