Patuloy pa ring nakararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas dulot parin ng Bagyong Florita at Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, huling namataan ang sentro ng Bagyong Florita ang East of Casiguran, Aurora alas-10 kagabi sa layong 125 kilometers per hour na may lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.
Mabagal parin ang pagkilos ng Bagyong Florita pa-kanlurang bahagi ng Luzon habang patuloy na binabaybay ang silangang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Asahan na patuloy paring lalakas ang Bagyong Florita habang hinahatak ang Hanging Habagat na nakakaapekto sa Southern Luzon at Visayas.
Sakaling hindi magbago ang kilos ng Bagyong Florita, posible itong maglandfall sa East Coast ng Isabela o Cagayan ngayong umaga.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa Cagayan; southern portion ng Babuyan Island; Isabela; Quirino; Eastern at central portion ng Nueva Vizcaya; Apayao; Abra; Kalinga; Mountain Province; Ifugao; northern portion ng Benguet; Ilocos Norte; ilocos sur; northern at central portion ng Aurora.
Signal no. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Babuyan Island, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Eatern at central ng Pangasinan, eatern portion ng Tarlac, Nueva Ecija, the rest of Aurora, eastern portion ng Pampanga, Bulacan, Rizal, northern portion ng Quezon Province, Laguna at Camarines Norte.