Magkakaroon ng maulap na panahon ang eastern section ng Luzon habang makakaranas ng mahihinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Aurora at Quezon Province.
Asahan naman ang bugso ng malakas na pag-ulan sa bahagi ng Bicol Region bunsod ng shearline.
Maganda naman ang panahon sa western section ng Luzon pero posibleng ulanin sa hapon hanggang sa gabi.
Makakaranas din ng pag-ulan ang Visayas partikular na ang Samar habang may mataas naman ng tiyansa na mga Thunderstorms ang nalalabing bahagi pa ng Visayas at Mindanao.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23°C hanggang 31°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:24 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:55 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero