Asahan pa rin ang maulap na papawirin na may kasamang mahina hanggang sa minsanang malakas na pag-ulan sa bahagi ng Batanes at Babuyan Islands ngayong araw.
Ito ay dahil sa patuloy na nakakaapekto pa rin ang Bagyong “Odette” na may international name nang “Khanun” sa mga nasabing lalawigan, bagama’t tuluyan na itong nakalabas ng Philippine Area of Responsibility kagabi.
Ang tropical storm Khanun ay huling namatan sa layong 590 kilometro kanluran ng Basco Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras at pagbugsong 145 kilometro kada oras.
Kumikilos ang tropical storm Khanun sa direksyong kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Samantala, makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Western at Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Tawi-Tawi, Sulu at Basilan dulot ng ITZC o Inter Tropical Convergence Zone.