Walang nakikitang dahilan si Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers para hindi giyerahin ng pamahalaan ang Maute Terrorist Group na kumubkob sa Marawi City simula nuong Martes.
Ito ang reaksyon ni Barbers kasunod ng pagdideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng batas militar sa buong isla ng Mindanao kabilang na ang Sulu at Tawi-Tawi.
Ayon kay Barbers, sapat na ang mga nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan ng bayan kaya’t hindi na dapat pang hayaan na madagdagan pa ang mga pinsalang dulot ng nasabing pag-atake.
Kinakailangan din aniyang maging proactive ang mga awtoridad upang hindi na lumawak o kumalat pa sa ibang lugar sa Mindanao ang mga bandido.
By: Jaymark Dagala