Suportado ng pinaka-notorious na international terrorist group na Islamic State of Iraq and Syria ang pakikipag-bakabakan ng grupong Maute sa mga tropa ng gobyerno sa Marawi City, Lanao del Sur.
Kinumpirma ng ISIS sa kanilang official Amaq News Agency at “website” na siteintelgroup.com na nagpapatuloy ang pakikipag-sagupaan ng mga miyembro ng kanilang “East Asia Division” sa Mindanao.
Batay sa intelligence report ng mga counter-terrorism expert, ang East Asia Division ng ISIS ay binubuo ng mga Islamic Extremist Group sa pangunguna ng Jemaah Islamiyah ng Indonesia at Malaysia; Abu Sayyaf at Maute o Dawlah Islamiyah ng Pilipinas.
Samantala, hindi naman binanggit ng ISIS kung ilan ang nalagas sa kanilang hanay.
By Drew Nacino