Apatnapu’t anim (46) pang bihag ang hawak ng grupong ISIS-Maute sa Marawi City.
Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, commander ng AFP-Western Mindanao Command, nakapagliligtas sila ng mga bihag tuwing naiipit ang mga terorista sa opensiba ng militar.
Bagaman kaunti na lamang ang mga kalaban, hindi anya sila nagpapaka-kampante lalo’t may kakayahan pa rin ang Maute na makapaglunsad ng pag-atake.
Tiniyak naman ni Galvez na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mailigtas ang lahat ng nalalabing bihag ng teroristang grupo.
SMW: RPE