Umaabot na sa isandaan at limampu (150) ang mga miyembro ng Maute-ISIS group ang boluntaryong sumuko sa Marawi City.
Ang mga sumukong terorista, ayon kay 103rd Infantry Haribon Brigade Commander Army Col. Romeo Brawner ay isinailalim na sa returnee reintegration program.
Sinabi ni Brawner na pinakamaraming sumuko, bitbit ang kanilang mga baril ay mula sa Butig, Lanao del Sur.
Tiwala si Brawner na madadagdagan pa ang mga susuko sa mga susunod na araw dahil patuloy ang pagpupursige ng militar na mapuksa ang pagre-recruit ng Maute-ISIS group sa Mindanao.
—-