Kumbinsido ang militar na lalong napilayan ang Maute Group matapos mabawi ng mga sundalo ang grand mosque at ang himpilan ng pulisya ng Marawi City sa kamay ng mga terorista.
Ayon kay Brigadier General Restituto Padilla, maituturing na simboliko ang pagkakabawi nila sa grand mosque dahil nasa pusod ito ng syudad at ang pinakamalaking mosque sa Marawi.
Unti-unti at maingat aniya ang ginawa nilang paglapit sa grand mosque dahil inihahalintulad nila ito sa pananampalataya ng mga Maranao na ayaw nilang masira.
Matatandaang ginawang observation tower at sniper nest ng Maute Group ang grand mosque.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
Sa ngayon, sinabi ni Padilla na hindi pa nila masabi kung mayroong mga labi sa loob ng grand mosque dahil patuloy pa ang ginagawang clearing operations.
Wala namang nasawi sa panig ng militar nang atakihin nila ang grand mosque maliban sa tatlong sundalo na nasugatan.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. general Restituto Padilla
Samantala, dahan-dahan ang ginagawang pagbawi ng militar sa marawi city mula sa maute group.
Ayon kay Padilla, ginagawa nila ang lahat upang mabawi sa lalong madaling panahon ang marawi subalit ayaw nilang ilagay sa panganib ang buhay ng kanilang mga sundalo.
Kahit aniya walang nangyayaring labanan, malaking panganib pa rin ang kinakaharap ng mga sundalo sa clearing operations dahil sa nagkalat na IED o improvised explosive devices.
Kumbinsido si Padilla na nasa mahigit 40 na lamang ang Maute Group samantalang posibleng nasa 30 pa ang hawak nilang hostages.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
By Len Aguirre