Nananatiling buhay at nasa Marawi City ang isa sa mga pinuno ng ISIS-inspired Maute terror group na si Abdullah Maute.
Ayon sa tinaguriang Bin Laden ng Lanao del Norte na si Agakhan Sharief dahil sa pagkakahawig nito sa yumaong Al Qaeda leader, nakausap pa niya si Abdullah noong Hulyo 17.
Buhay na buhay aniya ito at wala ni isa man na tinamong galos sa katawan mula sa nagpapatuloy na ground at air strikes ng militar sa Marawi City.
Kasunod nito, kinumpirma rin ni Sharief na nagawa nang makatakas sa Marawi City ang tinaguriang ISIS Emir at Abu Sayyaf Leader na si Isnilon Hapilon batay sa naging pag-uusap nila ni Abdullah.
Gayunman, biglang nanahimik si Sharief nang tanungin ito hinggil kay Fr. Chito Suganob na isa sa daan-daang bihag ng teroristang grupo mula nang sumiklab ang bakbakan sa Marawi City noong Mayo.
By Jaymark Dagala
Maute leader na si Abdullah buhay at nasa Marawi pa was last modified: July 24th, 2017 by DWIZ 882