Pinag-aaralan ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang paglalagay sa Maute Group sa listahan ng international terrorist organizations.
Ito ay matapos na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang siyang nag-ugnay sa grupo sa international terrorist group na ISIS o Islamic State.
Ayon kay AFP Chief of Staff at Martial Law Administrator General Eduardo Año, sa ginawang pagkilos ng Maute ay hindi malayo ang posibilidad na kinilala na sila ng ISIS.
Ginawa umano ng grupo ang mga pag-atake at maging ang pagtutulak ng droga upang kilalanin sila ng nasabing international terror group.
Matatandaang nagdeklara ng Martial Law si Pangulong Duterte matapos ang naging pag-atake Maute sa Marawi City.
By Rianne Briones
Maute pinag-aaralang ilagay sa international terrorist list was last modified: May 27th, 2017 by DWIZ 882