Posibleng pino-pondohan ng isang klinika na pag-aari ng isang ISIS member sa Kuwait ang Maute Group.
Ito ang ibinunyag ni Overseas Filipino Workers o OFW Partylist Representative John Bertiz sa isinagawang press briefing sa Kamara.
Ayon kay Bertiz, dapat tignan ng DOJ o Department of Justice ang anggulo na ang Winston QA Clinic na pag-aari ng isang isis member na nahuli sa Taguig City noong Marso ang nagbibigay ng pondo sa teroristang grupo.
Aniya, ang naturang clinic ay may pondo na nagkakahalaga ng isang bilyong piso (P1-B) na posibleng ginagamit sa operasyon ng Maute sa Marawi City.
Matatandaang, Marso ng kasalukuyang taon nang madakip ang mag-asawang hinihinalang miyembro ng ISIS sa Taguig City.
By Krista De Dios