Pursigido ang grupong Maute na iwagayway ang itim na bandila ng ISIS sa provincial capitol ng Lanao del Sur sa Marawi City at magdeklara ng “Wilayat” sa lalawigang sakop ng Islamic state.
Ito, ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, commander ng AFP-Western Mindanao Command, ang tunay na layunin ng pinagsanib na pwersa ng Maute at Abu Sayyaf ay upang magkaroon ng suporta mula sa ISIS sa Syria.
Wala anyang pinipiling lugar ang mga terorista at inaakyat ng mga ito ang mga government building maging ang mga bahay.
Naglunsad na rin ang militar ng airstrike sa ilang bahagi ng lungsod kung saan pinaniniwalaang nagtatago ang Maute.
Samantala, tinatayang isanlibo (1,000) pang residente ang hindi pa umano makalabas sa Marawi City dahil sa bakbakan.
By Drew Nacino
Maute pursigidong iwagayway ang bandila ng ISIS sa Marawi at magdeklara ng ‘Wilayat’ was last modified: May 28th, 2017 by DWIZ 882