Kumbinsido ang militar na gumagamit ng shabu ang mga miyembro ng ISIS-Maute group sa Marawi City.
Ito ang inihayag ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, Spokesman ng 1st Infantry Division, makaraang masabat ng mga kanilang mga tropa ang nasa labing-isang (11) kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 250 million pesos sa bahay na nagsilbing kuta ng mga bandido.
Ayon kay Herrera, bagaman unti-unti nang nalalagas ang teroristang grupo, tila walang kapaguran naman ang mga ito sa pakikipaglaban at isa sa mga dahilan ay ang pagbatak ng shabu.
Bukod sa droga at matataas na kalibre ng armas, gumagamit din aniya ang mga bandido ng drones upang i-monitor ang galaw ng militar sa lungsod.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Lt. Col. Jo-ar Herrera