Nagtitipid na ng bala ang Maute terrorist group.
Ito ang ibinalita ni AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na indikasyon aniyang nauubusan na ng bala ang mga terorista.
Sinabi ni Padilla na hindi tulad ng dati, walang habas kung magpaputok ng kanilang armas ang mga terorista ngunit ngayon aniya ay hindi na gaano.
Kasalukuyang nasa dalawang barangay na lamang nakatutok ang opensiba ng militar kung saan nasa kulang- kulang isang kilometro kuwadrado na lang aniya ang hawak ng mga Maute.
Una rito, ipinabatid ng Defense department na nasa 30 hanggang 40 Maute na lamang ang natitirang nakikipagbakbakan sa Marawi.
By Ralph Obina