Naniniwala ang Council of Teachers and Staff Colleges and Universities of the Philippines na hindi pa rin handa ang pamahalaan sa pagpapatupad ng programang K to 12.
Ayon sa Lead Convenor ng grupo na si Prof. Rene Tadle, maraming mga teaching at non-teaching personnel ang mawawalan ng trabaho sakaling ipatupad na ang programa.
Sinasamantala rin aniya ng mga school owners ang pagpapatupad ng programa para magtanggal ng mga guro at staff.
Sa pagtataya aniya ng Commission on Higher Education (CHED) aabot sa 23,000 teachers and non-academic personnel ang mawawalan ng trabaho subalit naniniwala si Tadle na mas malaki pa sa nabanggit na bilang ang maapektuhan ng K to 12.
“Sa estimate po kasi ng CHED kasi wala naman kaming specific figures, ang sinasabi po ng CHED ay 23,000 teachers and non-academic personnel ang mawawalan ng trabaho in the next 4 or 5 years pero sa amin pong palagay ay mas malaki doon.” Pahayag ni Tadle.
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas