Engaged na si Kapamilya actress Maxene Magalona sa kanyang boyfriend na si Robby Mananquil.
Nangyari ang proposal kahapon, Valentine’s Day sa Tokyo Dome sa Japan.
Agad namang nag-post si Maxene sa kanyang Instagram account na may caption na “Best Valentine’s Day Ever”.
Bago ang proposal ay nag-celebrate pa ang magkasintahan ng pre-valentine dinner sa Gonpachi, kasama ang mga magulang ni Robby.
Setyembre 2015 nang inanunsyo ni Maxene na mag-on na sila ni Robby.
By Meann Tanbio
Photo Credit: maxenemagalona / Instagram