Ibinahagi ni Maxene Magalona sa Instagram ang kanyang lumang larawan na kuha sa kasal nila ng kanyang ex-husband na si Rob Mananquil.
Ani Maxene sa caption, “Breaking up without breaking down”.
Usap-usapan naman ang naturang pagpopost ng aktres ng kanilang wedding photos kahit matagal na silang hiwalay ni Rob.
Sagot naman ng aktres, isa ito sa mga paraan ng pag-honor niya sa kaniyang pinagdaanan.
Dagdag pa ni Maxene, sayang naman aniya ang ganda niya sa mga litrato kung hindi niya ito ipopost.
Mababatid na January 2022 nang i-unfollow ni Maxene si Rob sa Instagram. —sa panulat ni Hannah Oledan