Magpapatupad ng maximum retail price (MRP) sa ilang gamot ang Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, sa 4,473 uri ng gamot sa bansa, mahigit kalahati rito ay napakalaking pinapatong na presyo.
Sa pauna aniyang listahan na ilalabas ng DOH, lalagyan ng MRP ang 63 gamot at 111 preparation na inirereseta sa walong (8) sakit.
Kabilang dito ang cancer, diabetes, hypertension at asthma.
Kasabay nito, nilinaw ni Domingo na kahit magkaroon na ng MRP ay mabibigyan pa rin ng diskwento ang mga senior citizen at may mga kapansanan.
Tiniyak din ni Domingo na hindi magbabago ang kalidad ng mga gamot.
Target ng DOH na mailabas ang administrative order sa taong kasalukuyan.