Pinag-aaralan ni Department of Justice (DOJ) secretary Jesus Crispin Remulla na ilipat sa Occidental Mindoro ang maximum security ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ayon kay Remulla, layon ng plano na hindi na magdulot ng kapahamakan ang mga preso lalo’t nakahalo ito sa populasyon ng Metro Manila.
Gayunman, hindi rin madali para sa Kalihim ang plano dahil kailangang ikonsidera ang oras at pera para maisakatuparan ito.
Nabatid na bumisita noon si Remulla sa Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro, na kayang tumanggap ng hanggang 10, 000 maximum security prisoners mula sa NBP.