Ipinagpaliban muna ng Department of Agriculture ang planong pagpapatupad ng maximum suggested retail price sa baboy.
Ito’y ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., matapos ang isinagawang consultative meeting kasama ang mga stakeholder upang alamin ang dahilan sa pagsirit ng presyo ng baboy.
Kaugnay nito, nagkasundo ang D.A., mga pork producer; traders; at retailers na pag-aralan muli ang cost structure upang mapababa ang presyo ng baboy sa mga pamilihan.
Dagdag pa ng Kalihim, aminado ang mga retailer na kailangan nang ibaba ang presyo ng baboy dahil humihina na rin ang kanilang benta.
Sa ngayon, nagkakahalaga ng 250 pesos ang presyo ng imported frozen pork, na mas mababa kumpara sa local pork na umaabot sa mahigit P400 kada kilo.