Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi pa naaabot ang maximum testing capacity sa Pilipinas.
Kasunod ito ng pahayag ng ilang mga eksperto na bumagal ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kaya’t posibleng naabot na ng bansa ang testing capacity nito.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 80,000 ang average testing capacity kada araw sa National Capital Region (NCR).
Sinabi din ni Vergeire na posible ding nasagad ang testing capacity dahilan kaya bumagal ang COVID-19 growth rate ng bansa.
Sa ngayon, inaayos na ng DOH ang panuntunan sa pamamahagi ng COVID-19 home kits na agad ibibigay sa vulnerable sectors. —sa panulat ni Angelica Doctolero