Idineklarang special non – working holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mayo 13, araw ng eleksiyon.
Nilagdaan ng pangulo ang Proclamation 719 para maging holiday ang araw ng halalan upang magbigay ng panahon sa lahat ng Pilipino para bumoto.
Ihahalal ng mga botante sa Mayo 13 ang 12 senador, isang partylist group at kongresista.
Gayundin ang mga posisyon sa lokal na pamahalaan tulad ng gobernador, vice governor, board members, mayor, vice mayor at mga konsehal.
JUST IN: May 13, idineklarang special non-working holiday ng Palasyo. | via @JILLRESONTOC pic.twitter.com/bnwbttAKlc
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 9, 2019