Pormal nang idineklara ng Malacañang ang Mayo 14, araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections bilang special non-working holiday.
Batay sa ipinalabas na Proclamation Number 479 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte, idineklara ang special non-working holiday sa Mayo 14 para mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makaboto.
Una nang nagsumite ng isang resolusyon sa tanggapan ng Pangulo ang Commission on Elections para hilingin ang pagdedeklara sa araw ng halalan bilang pista opisyal.
—-