Namemeligrong ma-antala ang May 9, 2022 elections sa gitna ng mga inihaing kaso ng ilang personalidad laban sa ilang kandidato.
Ito ang inamin ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon makaraang itakda na ng poll body sa January 14 ang preliminary hearing para sa disqualification case ni Presidential Aspirant Bongbong Marcos.
Ayon kay Guanzon, kung hindi makapag-imprenta ng mga balota sa Enero ay tiyak na manganganib ang halalan sa Mayo.
Sana anya ay mapagtanto ng mga naghain ng mga kaso kung anong maaaring maging konsekwensya ng kanilang ginawa.
Itinakda ng COMELEC sa January 12 ang pag-i-imprenta ng mga balota na gagamitin sa 2022 Elections.