Isiniwalat ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. na mahigit 20,000 beses tinangkang i-hack ang system bago at sa mismong araw ng May 9 National at Local Elections.
Gayunman, inihayag ni Esperon, Co-Chairman ng National Cybersecurity Inter-Agency Committee, na nagawa itong pigilan dahil sa pagiging pre-emptive ng pamahalaan.
Pinuri naman ni Esperon ang Commission on Elections at ang mga ahensyang nagbigay ng seguridad sa halalan tulad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Department of Information and Communications Technology.
Patas, tapat at naging maayos anya ang isinagawang botohan habang naging episyente rin ang automated election system at napakabilis ng transmission ng mga resulta ng local elections.