Nagmistulang “Blockbuster” na pelikula ang naganap na botohan kahapon sa bansa dahil sa haba ng pila ng mga botante.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, ang mahabang pila ay indikasyon na nais ng mga Pilipino na marinig ang kanilang mga tinig sa pamamagitan nang paglahok sa halalan.
Nagsimula ang botohan alas-6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi pero mag a-ala-5 pa lamang ng madaling araw ay pumila na ang mga botante.
May ilan namang nakaranas ng mga aberya, kabilang na ang problema sa Vote Counting Machines kaya’t bahagyang naantala ang botohan.
Una nang inihayag ng poll body na dahil pampanguluhan ang halalan ay inaasahan nilang magiging mataas ang voter turnout ngayong taon.