Hiniling na ng COMELEC kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara bilang special non-working holiday ang May 9, 2022 elections.
Ito’y upang matiyak na makikibahagi ang lahat ng botante sa national at local elections ngayong taon.
Ayon kay COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, nilagdaan ng COMELEC En Banc ang Resolution 10784 na humihiling sa pangulo na ideklarang special non-working holiday sa buong bansa ang araw ng halalan.
Noong Miyerkules ay nagsimula ang Local Absentee Voting para sa mga naka-duty sa kanilang trabaho sa Mayo 9.
Kabuuang 84,357 na mga botante ang pinayagang makaboto nang mas maaga na tatagal hanggang ngayong araw.